Linggo, Nobyembre 27, 2011

ALMOST DESTINY



by Neil Urian Seretaria Mabulay 

            It was 12 midnight when I fell asleep; nakipag chat pa kasi ako sa Tita ko from India. Natulog ako ng mahimbing at sa pagtulog ko, I had a dream, it was a very beautiful dream. Nasa isang lugar daw ako at may isang babae; puti ang kanyang suot, abot hanggang balikat ang kanyang buhok, maputi siya, slim at sexy. Maganda siya in other words at mas matangkad siya sakin ng konte. Nilapitan niya ako at sinabing, “ngayon lang kita nakita rito, bago ka lang ano?” Tinitigan ko ang maganda niyang mga mata at sinabing, “hindi kasi ako taga rito. We’re just having a stop over. Aalis din kami agad–agad.”

         Napangiti siya sa sagot kong yun. Tinitigan ko siya ulit at napansin ko ang nunal sa ibabaw ng kanyang ilong na lalong nagpapaganda sa kanya. Nag–usap kami ng nag–usap at sa maikling panahon ay umibig ako sa kanya. Niyaya niya akong mamasyal at pumayag naman ako. Nilibot namin ang buong lugar na magkahawak ang amiing mga kamay. Ang sabi niya’y nakatira daw siya sa may simbahan. Nung kailangan ko nang umalis, hiningi ko ang kanyang phone number. Niyakap niya ako at dumampi sa labi ko ang matamis niyang halik. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng panaginip kong yun at hindi ko rin kilala kung sino yung babaeng yun. Ang tanging alam ko lang ay, ang nangyari ay isang magandang panaginip.

         Two days later, my family and I have decided to go to Camotes for a vacation. Pag dating namin sa pier, nag overload yung barkong sana ay sasakyan namin papunta dun, kaya napilitan kaming lumipat ng barkong masasakyan, dun sa kabilang pier. Pagtungtong namin sa kabilang barko, nagulat ako nung Makita ko yung babaeng napanaginipan ko. Puti rin ang kanyang suot gaya ng nasa panaginip ko and she was sitting on a seat a little ahead of me, sa may bandang kanan. Tinitigan ko siya at alam kong napansin niya yun.

         Couple of hours later, lumabas ako para bumili ng noodles. Pagkatapos kong bumili, I went on the rear side of the boat para kainin yung noodles ko. Habang kumakain ako, bigla siyang dumating. May dala siyang isang camera and she stood next to me. She's a photographer pala at pumunta siya dun para kunan ng letrato ang bilog na buwan. at kinunan niya ng letrato ang bilog na buwan. Habang kumukuha siya ng letrato, nabunggo niya ako ng di niya sinasadya at nag sorry siya sakin. It was very romantic knowing na kaming dalawa lang yung nandoon and we were under the bright moonlight. We stayed there for quite a long time hanggang sa dumaong na yung barkong sinasakyan namin. Nauna siyang bumaba at magmula nun ay hindi ko na siya nakita.

          Sa pag alis niya, nakaramdam ako ng panghihinayang. Nung pababa na ako ng barko, napa-isip ako habang naglalakad palabas. I was wondering if, anu kaya ang nangyari kung nag "Hi" ako sa kanya? Siguro yung "Hi" kong yun, might change my whole future. It was at that moment when I realized, that destiny pala is composed of two things – the chance and the choice. God gives us the chance but still nasa atin parin yung choice; and the choices that we made can open a chance to other people. Ang nangyari sakin ay isang magandang halimbawa. It was her choice na pumunta dun para kunan ng letrato ang buwan at sa choice niyang yun, nabigyan ako ng chance para lapitan siya at kausapin siyam but I chose not to do it. Kung kinausap ko lang sana siya nun ay maaaring magkatotoo yung panaginip ko. But I never did. Sayang!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento