Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

MGA URI NG MANLILIGAW

by Unknown

Mr. Gwapings
- Kalimitan mayaman, gwapo, kilala mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at take note, kapag meron pang ugali to na dami pang sinasabi pwede nya sabihin “akala mo naman kagandahan” tama ba?
Mr. Quickie
- ito ung mga manliligaw na akala mo mga ninja sa bilis.. eto rin ung manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi “kelan mo ba ako sasagutin?” o kaya “i love you na, ako ba hindi mo pa lab?” kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.
Mr. Everything
- eto din ung manliligaw na ang daming alam at sinasabi, “sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo.” kapanipaniwala ba.. haha Kapag sinagaot naman ng babae di na alam ung pinagsasabi pagkatapos.. wahaha

Mr. Stalker
- etong manliligaw na toh daig pa magulang sa pagtanong ng daily activities nya.. kumain ka na? ano gawa mo, dito na me bahay. kaw? sinukasama mo? wow ikaw na magaling

Mr. Salesman
- parang si mr everthing toh.. matamis mag salita, imba manguto toh.. ganda mo ngayun ha, lambot kamay mo, kinis ng legs, ganda naman lips, haha di nga??? pero pag nagtagal na iba na sinasabihan…

Mr. Good Dog
- eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.. haha kaya maghanda na ung babae…

Mr. Anonymous
- isa ding ninja skills toh..wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe! may motto pa yan action speaks louder than words.. imba

Mr. Take it or Leave it
- pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period. eto ung mga taong malakas tiwala sa sarili

Mr. Romantiko
- old school ang paraan nya ng panliligaw..manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. Pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang “malinis na hangarin”



Go back to Read More

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento